Kung gumagamit ang kumpanya mo ng employee portal ng Sahora, iimbitahan ka ng HR sa email. Ipinapakita ng gabay na ito kung paano i-set up ang account mo, mag-sign in sa susunod, mag-reset ng nakalimutang password, at ilipat sa Filipino ang portal.
Bago ka magsimula
- Ang mga kumpanyang gumagamit lang ng employee portal ang nagbibigay ng login sa mga empleyado. Kung may hinihintay kang imbitasyon pero wala kang natanggap, magtanong sa HR.
- Nasa Ingles ang mga screen ng pag-sign in. Pagpasok mo sa portal, puwede mo na itong ilipat sa Filipino.
I-set up ang account mo
- Buksan ang email na "You're invited to Sahora" at i-click ang Set up my account. Isang beses lang gumagana ang link at mag-e-expire ito pagkalipas ng 24 na oras.
- Sa Set up your account, i-click ang Continue.
- Sa Choose your password, mag-type ng New password: hindi bababa sa 12 character, may malaki at maliit na titik, at may numero.
- I-type ulit ang parehong password sa Type it again at i-click ang Save password.
- Sa ilalim ng Before you continue, basahin ang privacy notice. Mag-scroll hanggang dulo, saka i-click ang I have read the privacy notice. Gagana lang ang button kapag nasa dulo ka na.
Nasa portal ka na. Makikita mo lang ulit ang privacy notice kapag may pagbabago rito.
Mag-sign in sa susunod
- Pumunta sa sahora.ph at i-click ang Sign in.
- I-type ang Email at Password mo, saka i-click ang Sign in.
Idagdag ang Sahora sa home screen ng phone mo para bumukas ito na parang app (tingnan ang Installing Sahora on your phone, sa Ingles).
Kung nakalimutan mo ang password
- Sa screen ng pag-sign in, i-click ang Forgot password?.
- Sa Reset password, i-type ang email mo at i-click ang Send reset link.
- Buksan ang email at i-click ang link nito, saka i-click ang Continue sa Reset your password.
- Pumili ng bagong password gaya ng nasa itaas.
Gumagana rin ito kung nag-expire ang link ng imbitasyon mo bago mo natapos i-set up ang account.
Lumipat sa Filipino
Sa itaas ng portal, i-tap ang FIL. Magiging Filipino ang menu, ang mga page ng portal at ang mga gabay sa Tulong. I-tap ang EN para bumalik sa Ingles. Tatandaan ng Sahora ang pinili mo sa susunod mong pag-sign in.
Kung may problema
- "That link is invalid or has expired. Ask for a new one.": nagamit na ang link o lampas na ito ng 24 na oras. Gamitin ang Forgot password? para makakuha ng bago, o hilingin sa HR na ipadala ulit ang imbitasyon mo.
- "The two passwords don't match.": i-type ang parehong password sa dalawang kahon.
- "Include at least one lowercase letter, one uppercase letter and one number.": idagdag ang kulang na uri ng character.
- "Too many failed attempts. Try again in 15 minutes, or reset your password.": maghintay muna, o gamitin ang Forgot password?.
- "You were signed out after a period of inactivity.": sina-sign out ka ng Sahora kapag matagal mo itong hindi ginalaw. Mag-sign in ulit.
Mabuting malaman
- Hindi kailangan ng two-step verification ang mga empleyado. Kung supervisor ka rin, hihilingin ng Sahora na mag-set up ka ng authenticator app, at isa pang backup, sa una mong pag-sign in. Tingnan ang Para sa mga supervisor: Team ko.
- Ipinapakita ng Mga device, sa itaas ng portal, kung saan naka-sign in ang login mo. Kung may device kang hindi kilala, i-click ang Sign out sa tabi nito, saka pumili ng bagong password gamit ang Forgot password?. Nasa Ingles ang page ng mga device.
- Huwag ibigay kaninuman ang password mo. Hindi ito kailangan ng HR para matulungan ka.